![]() |
| Top(Japanese) > Index(Tagalog) > Ang manwal para sa mga taong maninirahang at nagtatrabaho sa Lungsod ng Tsu. > Serbisyong ipinaghandaan ng pamahalaan. > Kalusugan ng ina at anak. |
Serbisyong ipinaghandaan ng pamahalaan. |
Kalusugan ng ina at anak.Maraming serbisyong pangkalusugan sa Japan para sa ina at anak. Ang mga dayuhan na nakarehistro sa ilalim ng pamamahala ng rehistrasyon ng dayuhan sa Lungsod ng Tsu ay dapat tumanggap ng serbisyo. (1) Munting libro sa ina at anak Kung sa palagay mo na ikaw ay buntis dapat kang magpatingin sa espesyalista ng pagbubuntis. Kung napatunayan na ikaw talaga ay buntis magpasa ng “pang-ulat ng pagbubuntis”sa sentro ng kalusugan sa Lungsod ng Tsu o sa mga opisina at matanggap mo ang munting libro ng ina’t anak. Seguraduhin na matanggap mo ito. (2) Pagsusuri sa kalusugan ng mga babaeng buntis. Magpasa ng porma para mapasuri ang kalusugan ng babae na nagbubuntis at nakadikit ito sa munting polyeto ng ina o anak doon sa opisina ng ukol sa medisina. Siya ay makatanggap ng pagsusuri ng kalusugan minsan lang sa unang hakbang ng pagbubuntis at ulitin sa huling hakbang at sa pagkakataon na ito ay walang bayad. (3) Pagsusuri sa kalusugan ng bata at mga bagong silang na bata. Kung ang bata ay may edad na 4 na buwan at 10 na buwan ay libre siyang magpatingin ng kanyang kalusugan sa opisina ukol sa medisina na walang bayad. Ang pagsuri na ito ay kailangan magpasa ng “kahilingan na pagsuri sa kalusugan ng mga bata” at nakadikit ito sa “Polyetong libro ng ina o anak”. Pagsuri sa kalusugan ng mga batang 1 at 6 na buwang taon na bata ay ibibigay ng sentro sa kalusugan. Ang ipaalam na suri sa kalusugan ay ipadala sa umaplay.” (4) pagsanguni sa kalusugan
(5) Pagbabakuna. Magpabakuna para hindi magkasakit. Ang mga bakuna ay nasa institusyon ukol sa mga medisina. Ang mga sumusunod na bakuna ay walang bayad kapag nilakipan mo ang polyeto ng munting aklat ng “ Bakuna at kalusugan ng mga bata”ng porma ng hindi pa pagpasuri na papel. May hangganan din ang edad sa bawa’t bakuna kaya tumawag sa sentro ng kalusugan para sa mga detalye.
Para sa mga detalye, tumawag sa : Kani-kaniya Sentro ng Kalusugan sa Lungsod ng Tsu.
|