Publikong transportasyon.
(1) Pagsakay at pagbaba sa bus.
- Ang pinto na papasok ay nasa gitna ng bus. Siguraduhin na kumuha ng numero kapag sasakay sa bus.
- Pindutin ang pinakamalapit na pindotan kung umabot ka na sa iyong pupuntahan.
- Ang pamasahe sa bus ay magkaiba sa pamamagitan ng etiketa na numero. May pisara sa itaas ng harap ng pinto para Makita ang mga pamasahe na nakalagay sa numero. Pakitingin ng iyong numero etiketa para malaman mo ang pamasahe at ihanda ang bayad bago ka bumaba.
- Ang pinto palabas ay nasa harap ng bus. Ilagay ang bayad kasama ng numero na palatandaan sa kahon na lalagyan ng bayad kasunod sa drayber kung ikaw ay bababa.
(2) Paano sumakay at bumaba sa tren.
- Una, bumili ng tiket para sa destinasyon mula sa despatso.
- Sa pagsakay, ipakita ang iyong tiket sa nagbabantay o ilagay sa awtomatikong lalagyan ng tiket.
- Siguraduhing nasa iyo pa rin ang tiket hangga’t dumaan na ang nangungulikta ng tiket.
- Ipasuri sa nagbabantay ng tren kapag walang bantay ang istasyon ng tren.
|