![]() |
| Top(Japanese) > Index(Tagalog) > Maligayang pagdating sa Siyudad ngTsu! |
Maligayang pagdating sa Siyudad ngTsu! |
Maligayang pagdating sa Tsu City home page! Ang pangalang ko ay si Mr. Naohisa Matsuda, ang unang mayor ng bagong Siyudad ng Tsu. Gagawn ko ang lahat ng aking magagawa upang maging karapatdapat sa posisyong ito at sa gayon ay maipatupad ko ang aking mga tungkulin para sa mga mamamayan ng Siyudad ng Tsu. Ang bagong Siyudad ng Tsu ay itinalaga noong unang araw ng Enero, taong 2006, at sumasakop ng sampung municipalities, na may laking umaabot sa 710 square kilometers kung saan may 290,000 kataong naninirahan. Isa sa mga importanteng bahagi ng aking mga tungkulin ay ang pagtatatag ng pagkakaisa sa mga mamamayan o residente ng sampung municipalities na dating hiwalay at magkaiba sa isa’t-isa at gawin ang lahat ng aking makakaya upang iparating sa lahat ang pagiging bahagi nila sa bagong siyudad na ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng iisang pangarap para sa hinaharap, kaya inaasahan kong marinig ang inyong mga opinyon at mga ideya upang mapanatiling isang matiwasay at matatag na pook ang Siyudad ng Tsu. Ang Siyudad ng Tsu ay may likas na ganda, tulad ng dagat, bundok, ilog at iba pang mga likas na katangian, mga tourist attractions, pati na ang iba’-ibang klase ng industriya, kultura at iba pang yaman. Kaya naman kailangang nating gamitin ang kaparalang ito upang gawing isang modelo ng kaunlaran at sigla upang itaguyod at pagbutihin ang ating mga industriya, kasali ng ang pagpapabuti ng mga shopping districts, sightseeing, sa iba’t-ibang pook kasali na ang Tsu Nagisamachi. Kailangan din na magtulungan tayo upang gawing ligtas ang siyudad natin at bigyang pansin ang kalusugan at katiwasayan ng pamumuhay, mataas na kalidad ng edukasyon, pagsugpo sa krimen at paghahanda para sa mga disaster o kalamidad pati na ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. Kailangan din nating bigyan ng pansin ang pambansang problema tulad ng pagbaba ng birth rates. Dahil sa malubhang sitwasyong pinansiyal sa siyudad nating ito, kailangan nating bigyang pansin ang mga karapat-dapat na mga projects, habang tinitingnang mabuti ang mga priority ng siyudad at bigyang daan ang layuning magbigay o magsagawa ng isang matatag na financial base para sa ating kinabukasan. Upang maipatupad ang iisa nating adhikain at mga pangarap para sa Siyudad ng Tsu, kailangang pagbutihin natin ang paggawa ng isang siyudad na maayos at maari nating ipagmalaki sa lahat. Upang makamit ang lahat ng ito, kailangang magtutulungan ang ating mga mamamayan at magkaroon ng masigasig na pag-uusap o dialogue sa ating City Council. Sabay nating itatag at itaguyod ang isang maunlad at magandang prefectural capital na may taglay na maayos na kapaligiran na nagdudulot ng kalusugan at matiwasay na lifestyle para sa lahat. Maraming salamat sa lahat ng inyong suporta at pagkakaisa upang makamit iisang pangarap at layunin. Mr. Naohisa Matsuda, Tsu City Mayor |